9.27.2010

Hindi Ako Atheist

Dati, bago ako matulog ay nagdadasal ako nang mataimtim. Kinakausap ko Sya dahil alam ko naintindihan Nya ako kahit na di ko Sya maintindihan.

3 years old palang ako, sumasama na ako sa bible study ng mga Jehovah's Witnesses. Nagsisimba din ako tuwing Linggo bilang isang Katoliko. Pag summer, sumasama ako sa mga friends ko sa pag-attend ng mga activities ng mga Methodists. Nung nasa grade 6 ako, binibisita ako ng mga Mormons para sa bible study. Sa college, sumasama akong sumamba sa roommate ko na miyembro ng Iglesia ni Kristo at isa ko pang roommate na Born Again Christian na umattend ng Victory Christian Fellowship.

Ngunit habang dumadami ang klase ng simbahan na napupuntahan ko at dumadami ang taong nakikilala ko na may ibang religion ay lalo ko syang di maintindihan.

Nung mamatay ang Nanay ko, tumigil na ako na intindihin Sya. Dumami ang mga tanong ko na di ko mahanapan ng sagot sa mga bible na binabasa ko. Nawalan ako ng tiwala sa mga pari, pastor, ministro atbp. Dumating ang araw na ayaw ko nang magsimba at di na ako nagdadasal.

Ngayon, wala na akong religion.

Pero kahit na wala na akong religion at di ko Sya maintindihan ay naniniwala pa rin ako na may Diyos.

No comments: