9.27.2010

Jueteng

Nung bata pa ako, ilang beses nang nanalo ang tatay ko sa pagtaya ng jueteng. Nung nasa grade two ako, nakabili kami ng bagong sala set at bagong washing machine nang dahil sa jueteng.

May mga schoolmates din ako sa elementary na anak ng mga kubrador ng jueteng. Lahat ng kilala kong pulitiko sa baranggay namin ay kilala ang mga kubrador ng jueteng at alam din nila na sa bahay nina Badong binobola ang jueteng.

Para sa akin, bago nila tanggalin ang jueteng (na kahit kelan naman ay di natanggal) ay bigyan muna nila ng trabaho ang mga tumataya at nagpapataya.

At kung di naman sila makapagbigay ng trabaho sa mga umaasa sa sugal na 'to, eh di gawing legal na lang para naman lahat ay makinabang hindi lang ang ibang mga pulitiko.

No comments: