10.13.2010

Busy Ako Ngayon

1. Nabubulag na ako. Kelangan ko nang magsalamin kaso ayokong talagang magsuot.
2. Gusto ko ng tanggalin ang retainer ko kaso twing tinatanggal ko, nahihirapan akong ngumuya at lumunok. Minsan nga nasosobrahan ko ang kagat ko at minsan naman ay di ko maisubo ang kinakain ko.
3. Pagod lagi ako sa trabaho kaso pagdating ko sa bahay ay di ako nakakapagpahinga dahil sa ibang bagay na ginagawa ko.
4. Hindi ako fan ni Kim Chiu at Gerald Anderson pero nalulungkot talaga ako para kay Kim Chiu. Naaawa talaga ako sa mga iniiwanan lalo na sa mga nagpaparaya. Naaalala ko tuloy yung unang palabas na iniyakan ko, "Bakit Labis Kitang Mahal". Haay buhay, bakit kasi may love triangle?
5. Nagrerebelde ang mga dati kong officemates laban sa dati kong boss. Hehehe.
6. Di ko pa alam ang gagawin ko sa Friday.. Haay tensionado ako. Isang araw nalang at di pa ako nag-prepare..
7. Makati ang lalamunan ko at umuubo pa rin ako. Sana lang walang pasok sa Saturday para makapagpahinga ako.
8. Uuwi ako sa province next weekend para bumoto.
9. Naghihintay ako ng 13th month pay. Sana lang ay may Christmas bonus rin ako. Naka limang late na ako at ewan ko lang kung magkakaron pa ako ng bonus haaay..
10. Kelangan ko ng yakap.
11. Pinaplano naming magkakapatid na lumipat ng bahay next year. Pero parang gusto ko rin humiwalay sa kanila.
12. Malapit na ang pasko.
13. Nabasa ko na yung Vampire Diaries. Gusto ko ang plot. At gusto ko ang character ni Damon.

1 comment:

yatnig channel said...

10. kailngan mo ng yakap.

lika dito.

libre lang yung sa akin. tutal yakap lang naman di ba?