2.10.2011

Valentines Day

Maya: Sar, hinihingi ni FJ ang number ko hehehe. Di ko naman sya gusto kaso sabi nya he likes me eh.
Sar: So?
Maya: Sar, mukha ba akong 24 years old pa lang?
Sar: Hindi.
Maya: Eh ano?
Sar: Mukhang mag 28 years old ka na. Sakto lang.
Maya: Eh sabi ni FJ pwede raw maging kami kasi 24 years old pa lang naman daw ako hehehe.
Sar: Sinabi nya yun di dahil sa itsura mo kundi sa ugali mo.
Maya: Huh?
Sar: Oo dahil you don't act like a mature lady.
Maya: Hindi ah.
Sar: Oo.
Maya: Aminin mo na mukha akong masbata sa'yo hahaha.
Sar: Mukha kang inosente dahil virgin ka pa at mukha kang bata dahil isip bata kapa.
Maya: Ouch!

Okay ayaw kong makipag-date sa mas bata sakin at sobrang tanda sakin.
Ayokong makipag-date sa may asawa.
Ayokong makipag-date sa religious na may fraternity pero kung yayain nya ako ay okay lang hehehe.

Lord, kelan ko mami-meet ang true love ko? Huhuhu. Okay na ang sweldo kasi nadagdagan at okay naman din ang relationship ko with other people lalo na sa family ko. Isa nalang ang kulang. Hindi naman ako naghahanap ng gwapo kasi di naman ako kasing ganda ni Angelica Panganiban. Bakit ganito?

Sige na nga makikipagdate ako sa Valentines Day kahit walang spark akong nararamdaman. Bahala na nga.

No comments: