Okay, nakuwento ko si D sa dalawang friends ko. Classmate ko sya nung elementary at last month ay nagkita ulet kami after 15 years. Never ko syang nagustuhan pero naging crush nya ako mula grade 1 hanggang grade 5.
So after ng reunion namin last month ay nagsimula na syang tumawag sakin sa gabi at mag-like at magcomment sa mga posts ko sa facebook. Wala akong nararamdaman sa kanya pero sya lang ang nag-iisang single na lalake na interesado sakin sa ngayon.
So ayun nga, kinuwento ko at tinanong ko sila na "what if mag-date kaming dalawa?" Tumawa lang sila at sinabi nila na huwag na daw akong mag-aksaya ng oras sa kanya dahil alam naman nila na di sya ang tipo kong lalake.
Gawin ko raw, magpaka-sweet at magtanga-tangahan ako para ma-meet ko ang ideal guy ko.
2 comments:
hello maya ayan nakabisita na ulit ako.. hmm punta ka b sa bagiou recently?
yup. andito ako now. then on august 2-4 :-)are you from baguio? ;-)
Post a Comment