7.22.2013

Maging Sweet at Magtanga tangahan

Okay, nakuwento ko si D sa dalawang friends ko.   Classmate ko sya nung elementary at last month ay nagkita ulet kami after 15 years.  Never ko syang nagustuhan pero naging crush nya ako mula grade 1 hanggang grade 5.

So after ng reunion namin last month ay nagsimula na syang tumawag sakin sa gabi at mag-like at magcomment sa mga posts ko sa facebook.   Wala akong nararamdaman sa kanya pero sya lang ang nag-iisang single na lalake na interesado sakin sa ngayon.

So ayun nga, kinuwento ko at tinanong ko sila na "what if mag-date kaming dalawa?"  Tumawa lang sila at sinabi nila na huwag na daw akong mag-aksaya ng oras sa kanya dahil alam naman nila na di sya ang tipo kong lalake.

Gawin ko raw, magpaka-sweet at magtanga-tangahan ako para ma-meet ko ang ideal guy ko.

2 comments:

yatnig channel said...

hello maya ayan nakabisita na ulit ako.. hmm punta ka b sa bagiou recently?

Anonymous said...

yup. andito ako now. then on august 2-4 :-)are you from baguio? ;-)